Sa buhay, ang iyong kinabukasan ay nakasalalay sa iyong desisyon. At
ang iyong katangian ay nakasalalay sa iyong pananaw sa buhay. Ang pinakamahirap na iyong mapagdadaan
ay ang magdesisyon kung ano ang iyong
pipiliin kung ano ang sinasabi ng iyong puso o kaya naman ng iyong utak, yung
gusto mo o yung tamang gawin, kung makikinig ka ba sinasabi ng ibang tao o sa
iyong sarili, sa iyong damdamin.
Sa buhay, may dalawa kang landas na posibleng patutungohan, ang tuwid
na landas at liko-likong landas. Sa tuwid na landas, tinatahak mo yung tamang
pamamaraan para mabuhay kahit na naghihirap, may pananalig sa Diyos Ama, mas
pinipili mo yung tama kaysa sa mali, may matibay na paninindigan, ginagamit ang
utak sa pagdedesisyon, mapagkumbaba, umiiwas sa gulo,hindi pumapasok sa mga
illegal na gawain at pinipili pa ang legal, at makatao.
Kung sa liko-likong daan, walang
kasiguraduhan ang patutunguhan, padalos-dalos sa mga desisyon, matigas
ang ulo, walang sinuman ang kinatatakutan kahit na ang Diyos Ama, lahat ng
masamang gawain at kasakiman pinapasok, katulad ng pagnanakaw, pagpatay,
nagbebenta at gumagamit ng inigbabawal na droga, basag-ulo, nagbubulakbol, mas
pupanig sa kasamaan kaysa sa pansariling kabutihan, kapit sa patalim, at makasarili.
Talagang ang ganda sa pakiramdam kung nagagawa mo kung ano ang gusto mo
ng walang sagabal, walang nagbibigay ng limitasyon, at walang pumipigil hindi
ba? Yan talaga ang gustong-gusto ng mga kabataan yung isang daang porsyentong
kalayaan. Talagang kinamomohian natin ang mga taong sagabal sa ating mga kagustohan at kalayaan. Nagsasabi
lamang ito na lahat ng bagay ay may limitasyon kaya may mga taong nag papaalala
sa ating mga limitasyon dahil nga mahal nila tayo. Pinagsasabihan nila tayo sa
ating mga kamalian at mga pangaral para mailayo sa maling landas. Dahil nga
hindi nakikinig, makasarili, matigas ang
ulo kaya minsan ay naliligaw ng landas.