Alam nating lahat kung gaano
kahirap maging isang magulang dahil sa nakikta natin natin ito sa ating mga
magulang habang pinapalaki nila tayo. Sabi daw nila, ang pagkakaroon ng anak ay
parangisang anghel na biyaya ng langit. Kakaibang ligaya daw ang iyong
mararamdaman sa tuwing nakikita mo ang iyong anak.
Parte na ng buhay ang pagiging
binata at dalaga na malaya at walang
responsibilidad ang iniisip. Kaisa lang ito dadaan ang pagiging binata’t dalaga
sa buhay ng tao. Sa ganitong sitwasyon tayong mga kabataan ay umaasa pa lang sa
ating mga magulang para tayo ay mabuhay. Kaya, ang tanong bakit may mga
kabataan ngayon ang pumapasok sa ganitong sitwasyon kung saan wala pa silang
sariling puhonan o walang alam ni isang trabaho. Kaya bakit pa papasok sa
ganitong sitwasyon kung sa simula pa lang ay mahirap na kayo. Sino ang kawawa
dito? Hindi ba ang bata? Dahil sa ang batang ina o ama ay walang alam sa pag
aaruga ng anak, sino ang mag aalaga ng bata? Ang iyong magulang mismo? Nag
hirap na nga sila ng pag aalaga sayo. Ang iyong paghihirap bilang isang batang
ina ay magsisimula pa lang sa pagbubuntis mo at lalo ka pang maghihirap
hanggang sa paglabas ng bata.
Nakakalungkot isipin kung may
kabataan ang nabibiktima ng ganitong
sitwasyon na kung saan nag papakasaya sila sa kanilang pagiging binata at
dalaga ay sa halip ay inuobos nila ang
oras nila sa pagtatrabaho para may mabiling gatas para sa bata mga
bitamina at iba pa, sa pagbabantay ng bata at iba pa.
Ito ang pagkakamaling pagsisihan at paghihirapan ng isang batang
ina habang buhay. Sa oras na malaman mo na ikaw ay nagdadalang tao sa hindi
tamang oras at panahon ay tiyak guguho
ang iyong mundo dahil sa hindi ka pa handa sa ganitong sitwasyon, wala kang
tamang puhunan at hindi mo maeenjoy ang iyong pagiging dalaga. Madami ng
pangarap ang nasira dahil sa pagiging magulang sa hindi tamang
panahon.Magsisimula ang paghihirap ng isang nagdadalalang tao kung saan
nasa sinapoponan hanggang sa paglabas nito.At ang masakit sa lahat kung ang ama ng iyong dinadala ay may ibang
kalaguyo at hindi interesadong suportahan ka sa pagpapalaki ng bata dahil nga minor de edad pa.
Ok lang na mag karoon ng syota sa
ganitong edad basta’t huwag lang humantong sa ganitong sitwasyon dahil
maaaring lahat ng iyong plano sa buhay
at pangarap ay masisira. Oo, kaisa mo lang
ito mararanasan pero panghabangbuhay mo itong pagsisisihan. Kaya kung
ako sayo, bawat desisyon ay pag isipan ng mabuti huwag mag padalos -dalos upang
hindi ka magsisisi sa huli. Kaibigan, mahaba pa ang iyong buhay huwag magmadali amrami ka pang
dapat maranasan bago ka pa humantong sa ganitong sitwasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento