KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN
Ito ang kasabihang matagal ng na
nating alam simula pa noong tayo ay nasa elementary pa dahilan na rin na
naisalin na ito sa ating kasaysayan. Sino nga bang tao ang hindi alam ang
kasabihang ito hanggang sa panahong ito at kung sino ang nagsabi nito.
Si Dr. Jose Rizal ang dakilang
bayani ang nagsabi na ang kabataan daw
ang pag asa ng bayan. Satingin nyo,bakit kaya nya ito nasabi?
Ito ang kasabihang nanatiling isang
malaking katanungan hanggang ngayon kumg totoo ba ito o hindi? Dahil hindi
talaga maiiwasan na sangkot ang ibang kabataan sa mga tiwaling gawain na
inaasahan na gawain ng mga matatanda.
Baka nga marahil nasabi ito ni
Rizal dahil ang mga kabataan mismo ay agresibo sa lahat ng, intelektwal at may
paninindigan. Maaaring may ganitong katangian sila pero ang tanong paano nila
ito makikita mismo sa kanilang sarili kung wala silang tamang gabay at
desiplina sa kanilang sarili. Sa ganitong edad nila, sila ay may matinding
pinagdadaan sa kanilag sarili, kalimitan tinatanong nila ang kanilang sarili
kung sino sila, kung saan mahirap sa kanila mag desisyon para sa kanilang
sarili, mag isip ng tama sa mali. Maaaring sa edad na ito ay alam na nila kung
ano ang tama sa mali pero hindi lahat, marami
pa silang dapat mapagdaan upang mapagtanto nila kung ano pa ba ang tama at ang mga maling gawain at sa unti
unti nilang mahubog ang kanilang tunay na pagkatao.
Matagal na panahon na itong nasabi
ni Dr. Jose Rizal at naitatak na sa ating mga isipan, ngunit walang nangyari,
sa halip ay lumalala pa ito sa paglipas ng panahon , hanggang sa marami ng mga
kabataan na lumipas at nagsitanda na at nagkaroon na ng pamilya at mga apo ay
walang nagbago.
Sa oras na marinig natin ang
kasabihang ito, masasabi natin na malaki ang ginagampanang papel ng mga
kabataan sa ikauunlad ng ating bansa. Pero paano ito magiging epektibo kung
kulang sila sa tamang gabay, pagmamahal, atensiyon at walang magagandang
impluwensya ang laging nakikita at nakakasalamuhang mga tao. Mahirap gawin hindi ba? Pero yan talaga ang kailangan.
Pero sa nakikita natin sa panahong
ito, masasabi mo pa bang ang kabataan ang pag asa ng bayan ? dahil sila na
mismo ang gumagawa ng krimen, ng mga pagpatay, pagnanakaw, ibinibenta ang
sariling katawan, biktima ng mga pangaabuso, gumagamit ng ipinagbabawal na
gamut, mga pang re rape sa mga babbe at ang masaklap pa sa lahat naging batang
ina at ama. Mahirap isipin na sa kanilang murang edad ay ganyan na ang kanilang
pinagdadaanan na sa halip ay pumapasok sa paaralan at nag aaral ng maigi para sa
kanyang kinabukasan. Hindi natin sila masisi kung bakit sila naging ganyan.
Maaaring may dahilan sila kung bakit sila naging ganyan, kalimitan kulang sila
ng atensyon sa magulang, napilitan dahil sa kawalan ng pera, nag rerebelde, atbp.
Darating din ang panahon na ikaw ay
magiging ina o ama, hahayaan mo pa bang mangyari ito sa iyong mga anak
pagdating ng tamang panahon?
Mas lalo pang lumala ang mga
krimeng gawa ng ibang kabataan ng ipinatupad ang batas na ipinagbabawal ang
pagkukulong sa mga kabataang gumagawa ng krimen.
Parang mahirap lutasin ang ganitong
problema, hindi po ba? Pero para malutas ang ganitong problema, mga magulang at sa tahanan mismo magsimula.
Kailan niya ito sinabi?
TumugonBurahin