Lunes, Nobyembre 10, 2014

Kahirapan

Ito ang problemang hindi kalian man  nawala sa ating buhay at hindi man lang nabigyan ng solusyon. Sa ganitong sitwasyon ang kadalasan nating pinoproblema ay ang pangunahing pangangailangan natin ay ang pera. Walang pambili ng makakain, walang maipakain sa pamilya at hindi man lang maibigay ng tama ang pangailangan ng buong pamilya lalong-lalo na pagdating sa edukasyon ng mga anak. May trabaho nga pero pagdating ng sahod ay napupunta lahat sa mga utang. Dahil nga mahirap tinitiis na  lang lahat ng paghihirap kahit na delikado ay tinitiis pati ang mga pag-aaral ng mga anak ay apektado dahil nga dagdag gastos kaya nga napipilitang huminto sa pag-aaral at tulongan ang magulang sa paghahanap buhay. Bakit sa ganitong sitwasyon ay marami pa ring mga tao ang gumagawa ng pamilya sa kabila ng kahirapan? Kung sabihin nating ang dahilan ay ang matinding damdamin hindi ba’t ang babaw ng dahilan  ngunit may isip  naman tayo kawawa lang ang mga bata.
kadalasan sinisisi natin sa gobyerno ang pagiging mahirap na syang responsable, namumuno, at gumagabay sa mga tao at pagkontrol ng mga presyo at nagpapaganda sa ating lipunan. Hindi nga madali ang gawaing ito pero bakit ka pa papasok kung hindi mo naman kaya. Para magawa ito ng tama ay dapat may puso ka para sa mga tao, tapat ka sa iyong serbisyo, may pagintindi ka sa mga tao, totoo ka sa iyong pangako at may pananalig ka sa Diyos. Ang masama sa lahat ay kadalasan sa ating gobyerno ngayon ay hindi mapakakatiwalaan.

 pero tama bang isisi natin sa lahat ng ating mga paghihirap sa gobyerno?

1 komento: