Pag-ibig ang kadalasan nating
masasabi kung may kakaiba tayong nararamdaman sa ibang tao, yung bang iba sa
pakiramdam sa ating kaibigan, kapatid, kamag-anak, o kapamilya, samakatwid
isang espesyal na pakiramdam sa isang tao,kahit na misan lang kayo nagkakilala
o nakita mo lang sya na dumaan o kaya naman ay ngumiti lang sayo. At sa tuwing
nakikita mo sya ay kakaibang ligaya ang iyong nararamdaman sa tuwing nakikita
sya at nakatingin din sayo. Ngunit ang ganitong espesyal na naramdaman ay
magtatagal ba hanggang sa kamatayan o sa, o sa magpawalang hanggan?
Hindi ba’t ang sarap sa pakiramdam
kapag may katuwang ka sa buhay na may magmamahal sayo ng walang pag alin
alingan at tatanggapin ka kahit na sino ka at magging ano ka lalo na’t hindi mo
inaasahan na makikilala mo sya kahit na sa dami ng tao sa mundong ito. Ngayon,
marami na ang mga pamilya ang nagkawatak watak dahil kadalassan ay hindi
pagkakaintidihan ng mga magulang o kaya na may hindi maiwanan na mga bisyo. Sabi
nga nila ay walang perpektong pag ibig o kahit na sinong nillalang na nilikha
ng Diyos Ama. Parte na ng buhay ng tao ang mga paghihirap at pasakit maging sa
pamilya mga pag aaway ng ating mga magulang ay parte na ng buhay mag asawa at
kung sila mismong dalawa ay susuko sa isa’t isa ay tiyak ang apektado ay ang
mga anak. Hindi naman maiiwasan ang hindi pagkakaintidihan sa isa’t isa basta’t may pasensya, pagintidi at
pagpapatawad. Hindi naman hahantong sa kasalan ang pag iibigan kung walang pag
ibig hindi ba? Masasabi mong wala ka ng pag ibig na nararamdaman sa kanya dahil
may puot at galit ka sa iyong puso.
Kung sa pag-ibig, ano ang mas
pipiliin mo? Ang utak o ang puso? Hindi ba’t ang hirap sagutin kapag nahuli ka
na sa pana ni kupido? Talagang wala ka ng kawala. Pero may mga nagsasabi na
mawawala at mawawala din ito.
Pero ang tunay na pag-ibig ay kung
saan ay hindi ka nakatingin sa panlabas na anyo lamang, kung hindi sa
kagandahan ng puso lamang. Talagang marami ang naloloko kung ang pagbabasehan
lang ay panlabas na anyo. Sino nga bang tao ang hindi mahumaling sa maganda at
gwapo? Ay talagang mapapatingin ka pa at
mahuhumaling sa kanya. Pero sa kabila ng kagandahang ito ay nakatago ang
kanyang totoong kulay na sigradong hindi mo magugustohan at tiyak mag iiba ang
pagtingin mo sa kanya. Malas mo na lang kung pinangako mo na sa Diyos na hindi
mo sya iiwan sa hirap at ginhawa. At ang mahirap sa lahat ay mahirap husgahan
ang taong nagpapakita ng kagandahang asal lalo na’t medaling itago ang masamang
pagkatao hindi po ba? Tayong mga tao ay talagang may masamang katangian pero
pwede mo naman itong baguhin pa unti-unti basta’t alam mo lang.
Ang masama pa sa lahat ay minsan kung
sino pa yung marunong mag mahal ay siya ang kadalasan iniiwan at
nagtatangatangahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento