Linggo, Oktubre 19, 2014

LANDAS

Sa buhay, ang iyong kinabukasan ay nakasalalay sa iyong desisyon. At ang iyong katangian ay nakasalalay sa iyong pananaw sa  buhay. Ang pinakamahirap na iyong mapagdadaan ay ang magdesisyon  kung ano ang iyong pipiliin kung ano ang sinasabi ng iyong puso o kaya naman ng iyong utak, yung gusto mo o yung tamang gawin, kung makikinig ka ba sinasabi ng ibang tao o sa iyong sarili, sa iyong damdamin.
Sa buhay, may dalawa kang landas na posibleng patutungohan, ang tuwid na landas at liko-likong landas. Sa tuwid na landas, tinatahak mo yung tamang pamamaraan para mabuhay kahit na naghihirap, may pananalig sa Diyos Ama, mas pinipili mo yung tama kaysa sa mali, may matibay na paninindigan, ginagamit ang utak sa pagdedesisyon, mapagkumbaba, umiiwas sa gulo,hindi pumapasok sa mga illegal na gawain at pinipili pa ang legal, at makatao.
Kung sa liko-likong daan, walang  kasiguraduhan ang patutunguhan, padalos-dalos sa mga desisyon, matigas ang ulo, walang sinuman ang kinatatakutan kahit na ang Diyos Ama, lahat ng masamang gawain at kasakiman pinapasok, katulad ng pagnanakaw, pagpatay, nagbebenta at gumagamit ng inigbabawal na droga, basag-ulo, nagbubulakbol, mas pupanig sa kasamaan kaysa sa  pansariling  kabutihan, kapit sa patalim,  at makasarili.

Talagang ang ganda sa pakiramdam kung nagagawa mo kung ano ang gusto mo ng walang sagabal, walang nagbibigay ng limitasyon, at walang pumipigil hindi ba? Yan talaga ang gustong-gusto ng mga kabataan yung isang daang porsyentong kalayaan. Talagang kinamomohian natin ang mga taong sagabal sa  ating mga kagustohan at kalayaan. Nagsasabi lamang ito na lahat ng bagay ay may limitasyon kaya may mga taong nag papaalala sa ating mga limitasyon dahil nga mahal nila tayo. Pinagsasabihan nila tayo sa ating mga kamalian at mga pangaral para mailayo sa maling landas. Dahil nga hindi nakikinig, makasarili, matigas ang  ulo kaya minsan ay naliligaw ng landas. 

1 komento:

  1. magaling! ngunit bakit tatlo lang ito? huwag burahin. ipagpatuloy ang blog na ito. ipakita at ipagmalaki sa madla. :) - Ms. G

    TumugonBurahin